h1

approved and booked!

October 14, 2007

a white christmas for us this year!  yahoo!

our interview was scheduled aug 29 at 7am.  before 6am we were outside the us embassy na. me, johann and mamang.  eh since di talaga pwede pumasok si mama sa loob kse kami lang ni johann ang naka-schedule wait nya kmi outside.  before we went in sinuot ko na kay johann yung leash 😛 nya para di sya makakatakas sa akin.  so pila kami dun sa papasok, inspection ng bag then went to another pila para submit yung docs then went to pavilion (or something) to wait for our number para sa finger scanning.  ay susme, dun kami nag-tagal.  we waited there for almost 2hrs.  hay nakakapagod pa kse ayaw mapirmi ni johann sa isang lugar.  we have to walk around tapos may times need ko pa sya buhatin.  when our number was called pila na naman para sa finger scanning.  the foreigner guy in charge was laughing at me when he asked for johann’s birthday.  since magkalapit kami ng bday ni johann i accidentally said “feb 8, 197.. oh 2005”.  lagi ako nagkakamali talaga dyan.  anyway, after the finger scanning we have to wait again for our number to be called para sa interview na with the consul.  na-tense na ako dito.  ni recall ko na yung practice interview namin ni rudney.  while busy ako kakabasa nung mga docs ni rudney, si johann naman ginugulo yung guy and girl sa likod namin.  panay ang hello nya tapos ask yung name nya sagot naman agad.  tapos maya-maya tumahimik.  yun pala umiire!!  susme, ano ba naman to. 

so wait lang ako ng few minutes para sure na tapos na sya then i approached yung girl na in charge dun.  i told her na mag-palit lang ng diaper sa cr and binilin ko yung number ko.  so cge daw ipila na lang daw nya kami dun sa isang consul, no need to wait for our number daw.  so after namin sa cr pwesto na kami dun sa seat na malapit dun sa consul na pipilahan namin.  nung kami na yung next pinatayo na kami dun sa tabi ng poste na writing area ata yun, dun ko pinaupo si johann.  eh may poster dun na naka-peace sign so tinuturuan ko si johann kung paano mag peace sign at the same time sinasabi ko na 2 yun.  ang kaso di nya ma-bend yung other 2 fingers nya kaya 4 fingers yung nakatas, though eventually nagawa naman nya na maging 2.  then kami na,  grabe na yung kabog ng dibdib ko.  buhat ko si johann i said good morning sa consul nag-reply sya at aba itong si johann pabibo.  he also said good morning at nag-reply ulit yung consul with a smile for him.  i gave her our passport and the forms then she asked for johann’s birth certificate and our marriage license.  so binaba ko si johann to get the docs.  i was planning na dun na lang sya sa baba para makapag concentrate ako dun sa interview.  mayamaya si johann “mommy karga. mommy karga. karga mommy karga.”  so no choice binuhat ko ulit. the consul told me paupuin ko na lang daw dun sa counter.  so pwesto si johann dun sa malapit sa microphone.  so while she was asking me why we didn’t go with rudney when he went sa us, hinahawi ko naman yung kamay ni johann kse hinahawakan yung microphone.  i answered ‘i’m not allowed because i still have a work here”.  o di ba parang mali ang grammar ko.  ang next question nya magkano salary ni rudney dun. i told her “his salary is still here. he only gets an allowance there” parang bitin yung sentence ko.  she asked how much yung salary, i told her the amount.  then compute sya.  so ang tagal dami nyang tina-type tapos eh si johann hinahawakan pa rin yung microphone so sinabihan sya ng consul na wag gawin yun so transfer ko si johann sa kabilang side. pilit pa rin nya inaabot. naiinip siguro kase.  so tahimik kaming tatlo tapos si johann nag-salita “mcdonalds” tapos “jollibee” sumagot yung consul “oh you want jollibee, ok almost done” so lakas na naman ng kabog ng dibdib ko.  uuwi ba kami with our passport or with the yellow slip for delbros.  then she asked johann, “how old are you? put up your hand like this” timing yung tinuturo ko sa kanya kanina.  kaso 4 pa rin yung tinaas nya sabay sabi ng “2”.  ayos di ba.  so she finally gave us the yellow slip with an instruction to go back sa pavilion sa booth ng delbros para sa delivery ng passport.  so i said thank you with a big smile on my face. 

hay, thank you LORD.  yun yung nasabi ko nung pabalik kami ng pavilion.  i can’t seem to contain my smile. hay grabe.  tsaka ako nakaramdam ng gutom.  di pala ako nag-breakfast.  after ko mag-fill up ng form para sa delbros hinanap na namin si mama sa labas.  so ask nya kaagad kung ano result eh di syempre smile ako sabay para ng taxi kse sa shaft kami sunduin ng uncle ko.

after a week nadeliver na passport namin with our visa.  we got the L2 visa, 3 years din sya same as rudney’s.

sa dami ng nangyari i was able to book na ng flight namin after more than a month na.  i was trying to book online kso nwa requires a credit card issued sa us so i immediately contacted the travel agent referred by my officemate.  i emailed her my itinerary.  she suggested a day earlier than my preferred date para makuha yung cheaper fare.  yun nga lang kailangan mai-deposit ko na yung payment namin by that day (oct 4) kse ang deadline ng booking is oct 5, 10am.  plan ko is to pay in dollars kso may clearing days pa daw yun so dapat peso.  ang kaso yung peso namin kaka-invest ko lang sa money tree so kulang yung available na peso ko.  buti na lang nandyan ang aking ever reliable father. tawag ako agad kung may available syang 114k, mag-withdraw daw sya at ihatid nya sa office kse sa bpi ko i-deposit.  sa kanya ko na lang ibabayad yung dollars.  after ko ma-deposit i texted the agent na nadeposit ko na. i left the office around 2:30pm kse need ko email sa agent yung copy ng deposit slip, passport and visa namin para siguradong tama yung name na ilalagay nya dun sa booking namin.  wala kse ako mauutusan sa house na marunong mag-scan and mag-email.  pagdating ko sa house buti na lang tulog si johann i was able to finish it bago mag-4pm then wait ako ng text from the agent kung okay na.  when she said okay na pati yung request ko na i-credit yung miles sa aking worldperks plus yung window seat for johann granted daw.  yehey!!! go na go na talaga kami.  next na gagawin ko is to list na lahat ng dadalhin namin.  i already asked rudney to look for johann’s milk and diapers dun para alam ko kung magdadala pa ako or hindi na.

nga pala,  we’ll be leaving on dec 21 and be back by january 27 na.  ang tagal noh, sinulit lang namin yung pamasahe namin ang mahal kse eh. 😛

Advertisements

One comment

  1. Hi,

    I found out your blog while searching to learn your language.

    Good blog!



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: