h1

so how did we celebrate our birthday?

March 6, 2007

feb 5.

at around 4 am, ginising ako ni johann asking for milk. nagtimpla ako then i checked my phone, aba may bumabati na, galing sa boss ko.  so sleep ulit ako.  when i woke up check ko ulit yung message, he sent it around 1 am.  so when i got to the office since wala sya sa area nya i just texted him back, thanking him for his advanced greeting. yun pala mali ang naka-store na date sa phone nya.  then nung afternoon, nag-text naman former officemate ko greeting me so nag-reply ako na advanced ang greeting nya. eh kase daw ngayon nya na-alala kya nag-text na sya agad.  hehehe…

feb 6. my birthday.

at exactly 12:06am *~advanced kse ng 5 mins ang time ng phone ko~*  i received a birthday greeting from rudney.  its my 30th, btw.  he can’t call me since he’s at the office that time *~it was 10:06am feb 5 in chicago~*.  i just texted him back then kissed johann and went to sleep.  hindi ako nag-leave kse sa bday ni johann ako mag-leave, so i was working  on my birthday. i received text and emails from friends.  treated my officemate with palabok and cake from red ribbon for merienda.  left the office around 7pm.  johann was already sleeping na when i got home.  mama cooked pansit for me pero di na ako nakakain kse busog pa ako dun sa meryenda. 

feb 7.

breakfast ko yung pansit.  went to the office. may mga receive pa akong email, humahabol ng bati.  nag-overtime ako kse leave ako the next day.  medyo masakit na ulo ko.

feb 8. johann’s birthday.

woke up with a really bad headache. 😦 as in ang sakit. so kinuha muna ng mama ko si johann. pero syempre kiss ko muna sya bgo umalis.  then rudney called. told him na sobrang sakit ng ulo ko and pwedeng later kmi mag-usap, itutulog ko lang sandali *~i don’t drink medicine kse~*. sabi nya oks lang since may pupuntahan daw muna cla or maglalaba sya. basta may gagawin daw muna sya. around 8am yun, 6pm sa chicago.  i woke up mga past 10am na.  medyo masakit pa ulo ko pero ym and text ko na rudney, told him naka-online na kmi. naka-auto answer ang skype ko so iniwan ko sa guest room/play room yung laptop na naka-online.  lunch c johann / brunch ako ng spaghetti and chicken na handa nya.  di pa kmi tapos kumain narinig ko na voice ni rudney so buhat ko si johann tapos dinala ng tita ko yung food nya sa room, ako iniwan ko yung food ko sa table.  tinapat ko kay johann yung webcam tapos kinantahan ni rudney si johann ng happy birthday. si johann naman sumabay sa palakpak and kanta sabay blow ng imaginary candle.  sabi ko mamya pa kmi buy ng cake ng hapon.  pinapa-sing and dance namin c johann, nasa mood naman kya sumusunod.  kinumusta ni rudney kung done na yung preparations sa party sabi ko almost done, yung pics na lang para sa video ang kulang.  kinuha ko yung food ko para ubusin. nakishare pa si johann sa chicken. pinapanood lang sya ni rudney iluwa yung chicken pag wala ng lasa. hahaha.   since may pasok pa rudney the next day nag-bye bye na kmi. i got another piece of chicken para kay johann, iniwan ko sila ni mama sandali pag balik ko kalahati na lang yung chicken, yung kalahati nasa tissue na, yung mga niluwa nya. 😛   sinabayan ko sya nung nag-nap sya.  matagal tulog nya so open ko yung laptop to work on the pics para sa video.  di pa ako tapos eh nagising na.  so nag-prepare na ako kse bibili nga kmi ng cake. mag 4pm na yun.  we went sa red ribbon eh may play area dun so laro muna sya with my tita and pinsan tapos ako buy ng cake.  i bought 2 round cakes, chocolate mousse and coffee crunch, wala kse akong gustong flavor sa mga square cakes nila.  pinalagyan ko lang ng message yung chocolate mousse.  pag-uwi namin prepare ko yung table para sa cake tsaka yung handa nyang paubos na.  nung nilabas ko na yung cake tsaka ko naalala yung candle 😦  hay naku. anyways, picture ko yung food tapos nilagay ko sa harap ni johann yung cake.  kanta lang kmi tapos kahit walang candle yung cake blow nya pa rin. hahaha.  i was expecting na lalamutakin nya yung cake. aba ayaw hawakan at ayaw pahawakan.  ang gagawin nya iniikot nya yung daliri nya sa ibabaw ng cake *~without touching it ha~* tapos subo nya daliri nya sabay mmmm… eh di ba patawa. tapos may isa pa, nilalapit nya yung mukha nya sa cake. akala ko nga kakainin nya ng ganun. pag sobrang lapit nya lalayo tapos ngingiti.  then accidentally nadikit yung kamay nya sa cake. tiningnan lang nya yung kamay nya sabay sabi yuck tapos kinukuha sa tita ko yung face towel. hahaha…  so meryenda/dinner na kami. we tried feeding him some cake kaso ayaw talaga. spaghetti lang kinain nya.  i let him play muna tapos ligo and akyat na kmi sa room namin. pag dating dun laro ulit sya while watch ako ng tv.  then nung nag-sleep na sya open ko ulit yung laptop to finish na yung pics.  natapos ko na naman.  then nag-sleep na ako. past 12am na yun.

feb 9.

pagdating ko sa office send ko kay rudney yung mga napili kong pics.  may mga pinapapalitan pa sya.  sabi ko okay lang, may kukunin pa naman akong cd ng pics ni johann kay ate jhing.  so work ako then went home early.  when johann was sleeping na i started working again on the pics for the video. then sleep.

feb 10. the party.

woke up past 6. aga talaga nagigising c johann.  i started filling the pinata with candies and toys while c johann naman kept on taking the candies and toys away. ayaw nya ata ipamigay. hehehe… kinuha na ng tita ko si johann ako naman i started preparing na the things that we’ll need for the party.  after that set-up ko na yung pc kse mag-usap kmi ni rudney.  i sent him the final pics for his approval.  nung nag-okay sya burn ko na sa cd yung pics para bigay sa photographers later.  after namin usap. nag-brunch ako c johann naman katatapos lang maligo tapos mag-nap na.  since maaga pa nung nagising c johann from his nap play muna sya around 3:30 nag-prepare na kmi.  we left the house before 4 and got there mga 4:20.  nandun na yung photographer.  there was a problem with the airconditioner nila sa labas ng room, i asked them kung maayos ba yan kse for sure ma-occupy namin yung area na yun.  sabi nila oo daw so i gave the tarpaulin and the button pins to one of the crew.  gave her instructions that the kids will get a button pin each together with the name tag.  i also advised her that we’ll be having around 100 guests *~80 lang pinareserve ko~*.  Guests started arriving.  Dami kong di kilala na taga sa amin, i was expecting na kilala ng tita ko yung mga yun hindi rin daw.  Oh well.  Nag-balloon yung guests namin to 135.  anyways, kung saan-saan ko na pinapwesto yung ibang guests na late.  yung in-laws ko nga sa labas na naka-pwesto kse late din cla nakarating.  cla mama and papa sa labas na rin.  i didn’t get to entertain my guests.  kita naman nila ngarag na ko sa dami ng tao.  hehehe.  nung kainan na syempre table hopping kmi mag-ina. napagod ako dun, bigat na kse ni johann eh.  di na ako kumain pero c johann kumain konting spaghetti lang.  after awhile lumabas na yung mga mascots, jollibee, hetty and mr. yum.  mas lalong naging riot.  merong kids na nagtago and meron naman hinarang na yung mascot sa pinto pa lang.  as usual, picture muna, then dance na yung mascots, then wishes, open ng gifts then distribute the loot bag for the kids and ref magnets for the adults.  said my thank-you’s to those who came then bye-bye na.  gave the cd with pics and down payment to the photographer and bayad na rin ako kay jollibee.  nga pala, sa laki ng bill namin johann got a bike and a keyboard that can be attached to the tv tapos may mga nakaload na games *~di ko alam ang tawag eh~*.  play muna si johann dun sa play area ng jollibee.  buti na lang nandun pa yung friend ni rudney together with their kids kaya may kasama si johann sa pag-akyat and pag-slide dun. *~di kse ako kasya 😛 ~*  i was happy naman with how jollibee delivered except lang for the aircon outside the room kse sira pa rin and may tumutulo and the bubble machine na mas maraming binugang sabon kaysa sa bubbles.  i especially liked the party host, very lively sya and pwede syang mag sideline sa comedy bar. 

pagdating sa bahay tsaka lang ako nakakain kso di ko rin naubos yung spag kse sa pagod ko ala na ako gana. si johann naman kinain yung chicken.  after eating and cleaning up we went na sa room tapos inayos ng cousins ko yung gifts para sa picture then isa-isa ng binuksan ni johann.  hindi ko na na-track kung kanino galing yung mga gifts, basta tinabi ko na lang yung gift tags.  tinago ko muna yung ibang gifts na na-receive nya.  then nag-sleep na kmi. 

feb 11. 

we didn’t go out the next day, *~except for johann na nag-attend ng mass with my tita~*.  i cleaned our room by getting rid of the things we no longer use or need and took out empty boxes of johann’s toys.  when mama arrived help nya ko na i-move yung bed mattress from the floor to our old bed.  yes, we no longer sleep on the floor, that gave johann a bigger play area in our room, which he actually enjoy.  the next day mama changed our curtains, cleaned the windows and changed our sheets *~sya talaga ang naglinis hindi ako 😛 ~* and with the help my tita and cousin they removed our carpet and replaced it with floor puzzle mat.  pinagpalit din nila yung pwesto ng tv and cabinet ni johann.  i bought extra floor puzzle mat para covered yung buong room and an industrial wall fan.

nakakapagod but worth it naman kse nag-enjoy ang mga kids *~ewan ko lang yung adults 😛 ~* .  plans for next year? bahala na.  baka magtatago na lang kming mag-ina. hehehe 😛 .

birthday pics here.

party pics here and here.

Advertisements

One comment

  1. hanep.. sa haba ng kwento =)..
    saan naman gaganapin bday ni rudney … all expense paid trip ba with barkada?.. pwede nice idea.. sagot ko kwento at playing cards.



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s

%d bloggers like this: