Archive for November 12th, 2007

h1

er trips and impaction

November 12, 2007

er trip 1.  10/18 around 12:30 am we rushed johann sa medical city kse thrice nag throw-up.  one nung pagdating ko.  i thought nagpapa-cute yun pala mag-vommit.  next eh nung-after nya mag milk eh di naman naiipit yung tummy nya or nag-likot man lang para mag-cause ng pag-vommit nya.  tinawagan ko si mama na pag nag-vommit pa ulit dalhin ko na sa er.  eh nag-vommit na naman nung tulog na sya.  sobrang babaw ng tulog ko, narinig ko sya umubo pag bangon ko nag-vommit na.  so tawag ako agad kay mama to inform her then sa uncle ko para magpa-drive.  sabi ng mama ko daanan daw namin sya sa ministop.  pagdating namin sa er ang daming bata.  so the nurse asked us whats wrong tapos check yung temperature.  while waiting na tawagin for our turn si johann naman akala mo walang sakit.  he was runnning around, ako naman naka-buntot sa kanya.  nung tinawag na kami ng doctor check nya yung throat tapos ask kami kung ano bang kinain then binigyan kami ng nurse ng glucolyte para sa dehydration.  hay naku dun kami nag-tagal.  ayaw uminom kahit naka-straw.  sabi ko na nga ‘yummy juice’ ayaw ako pansinin.  so we asked for a dropper binigyan kami ng syringe w/o the needle.  kahit anong pilit namin ayaw pa rin.  i even pretended na galit na ako, ayaw talaga.  after 30 mins na di umiinom ask ko yung doctor kung anong other way kung ayaw uminom.  pakainin daw namin para ma-uhaw.  so i went dun sa mini-grocery to buy sky flakes.  kumain naman sya. tapos uminom ng konti tapos ayaw na nya nung natikman nya. hay naku.  gusto magpa carry sa akin. sabi ko ‘inom muna juice then carry ka ni mommy’. aba sumunod naman.  then carry ko sya lumapit kami dun sa pang height measurement na giraffe.  after a few minutes lapit ulit ako sa mama ko para painumin ulit.  uminom naman.  nung naka 1/4 na nung cup inform kami ng doctor na baka may nakain lang sya na di nagustuhan ng tyan nya kya sya nag-vommit.  so continue lang daw namin yung glucolyte pag nag-vommit ulit.  around 3am na kami naka-uwi.  ang culprit pala is the cold chuckie.  nang hingi kase sya ng coke nung nakita nya umiinom yung friends ni mama.  syempre di sya binigyan eh nakita naman yung chuckie yun yung ininom nya eh ala naman pala laman tyan nya. hayy…

er trip 2.  last 10/28, ask ako nila tajhing to come with them sa divisoria since di nila alam papunta.  they’ll be buying kse gifts pang giveaway.  so 5 kami pumunta and car ko yung dala namin.  yun lang daw ang fit pang divisoria. hmp!  anyway, on the way pa lang sa house ng sister i kind of feel something sa panga ko sa left side sa ilalim ng ears ko.  i ignored it thinking baka connected lang teeth ko. maga kse yung gums ko pero sa right side yun.  *~ang labo noh~*.  park kami sa tutuban then walk kami pappuntang 168.   sa 168 parang na-feel ko na lumalaki yung parang bukol and may pain na sya pag press ko sya.  ignore ko pa rin.  after 168 balik kami sa car para hatid yung pinamili kse mabigat then walk na naman kami papunta ng divi mall.  dun na kami nag-lunch sa food court.  nung lunch dun lalong sumakit and lalong lumaki yung bukol extend na sya sa side ng ears malapit sa left cheek. parang na-stress sya habang kumakain ako.  that’s the time na napansin nila na namamaga yung mukha ko.  they asked me kung gusto ko pa-er.  sabi ko hindi na, wait ko na lang appointment ko with my dentist the next day kse baka related.  the next day sabi ng dentist ko baka mumps pero nagka-mumps na ako.  though pwede daw mag-recur yun kung mahina immune system.  so that afternoon i went on my own sa er to have it checked na.  *~side kwento, since lagi kong dinadala sa er si johann i accidentally wrote his name dun sa patient info.  na-realize ko lang yun nung isusulat na yung other details.  natawa nga ako eh~*.   when it was my turn i told the dr kung ano problem.  she told me na hindi mumps yun, baka barado daw yung salivary glands ko *~di ko ma-remember medical term and di ko mabasa yung sulat ng dr~*.  she referred me sa ent para sure.  so explain sa akin ng ent kung ano yung sakit ko.  may mga stones na nag-form due to eating too much salty foods or high in uric acid.  basta sa kinakain ko daw.  kaya naman daw gamutin ng antibiotic and pag inom ng juices na nakapag-produce ng saliva.  ang culprit, feeling ko eh si boy bawang.  lately kse panay yun yung kinakain ko. hayy..

impaction.  10/29 nung nalaman na kaya pala sobrang sakit ng ngipin ko eh may impaction pala ako.  yung 3rd molar ko eh di lumabas.  based sa xray yung 3rd molar ko eh nakadikit sa root ng 2nd molar ko.  actually half na lang ang naiwan ng root kse pag-nag-bite ako nagtatama na sila.  so my dentist referred me dun sa kilala nya na dentist na nagpe-perform ng surgery.  she explained to me kung ano ang gagawing procedure.  since nakabaon daw yung tooth kailangan magtangal pa ng buto.  katakot pero nagpa-sched pa rin agad ako the next day. ang sakit na kse talaga eh.  the next day mama came with me papunta sa city hall.  dun kse yung dentist eh.  ako unang patient.  when he saw the xray sabi nya agad na matagal daw yung procedure.  swerte na kung matapos kami in 1.5 hours.  he told me that hindi na ma-rescue yung 2nd molar ko kse based sa xray half na lang natira dun sa root.  before nag-start yung procedure he explained kung ano gagawin nya.  extract yung 2nd molar, mag-tanggal ng buto then extract yung 3rd molar.  sounds easy pero hindi.  yung pag-extract ng 2nd molar mabilis lang.  yung pag-tanggal ng buto ang matagal.  i can hear cracks though i didn’t feel anything naman.  traumatic lang kse alam ko na buto ko yung naririnig kong kina-crack.  next is extraction ng 3rd molar.  nagtagal din ito kse masyado syang malalalim.  ilang beses nag-slide yung forcep.  nung natapos na he told me to take antibiotic and mefenamic acid for the pain.  so on our way home dumaan muna kami sa mercury para sa medicines ko.  si mama na lang bumaba while wait ko sya sa car.  pero nararamdaman ko na yung sakit.  pagdating sa house grabe na ang sakit.  as in nagpapadyak na ako sa sakit eh tinitimpla pa yung antibiotic and dinudurog ko pa yung mefenamic *~i don’t drink tablet or capsule kse~*.  after drinking the medicine i went straight to our room with a hot compress on my cheek and tried to sleep.  i was crying na because of the pain.  nakatulog naman ako.  paggising ko nag-effect na yung mefenamic.  i ate lunch/meryenda na.  sabaw lang ng sinigang ang kaya kong kainin eh.  i took again mefenamic then went back to our room again to rest.  feeling ko pagod na pagod ako.  around 7pm kain ulit ako ng sabaw ng sinigang na may konting kanin.  then inom ng antibiotic balik na naman ako sa room.  after a few minutes hinatid na nila si johann.  sabi ni johann ‘wawa mommy, sakit ulo mommy’.  sabi ko ‘no, sakit teeth mommy’.  mamang stayed in our room until johann fell asleep.  maga yung right cheek ko til thursday pero nawala na rin nung friday.  i was able to go to divisoria again nung friday. :P