
driving
August 11, 2007*~this is the one “i’m into something right now”~*
after 4 student permits and 2 A1 classes (10 hrs manual and 5 hrs automatic) i’m finally driving. major accomplishment to. i always wanted to drive but fear gets in the way. ang mali ko kse nung first time ako nag-A1 hindi ako nagpa-assist para sa license kaya di ako nakakuha agad. hay naku, i tried practising pa nga sa garage namin, ayun nabangga ko yung pader gamit ko yung corolla na bagong pintura. hay naku talaga. after nun natakot na ko. lagi lang ako kumukuha ng student permit hoping na makapag-drive ako. nakakapag-practice naman ako with my uncle. na-drive ko na nga rin yung L300 namin nung manual pa sya. hirap ako sobra sa manual. lagi ko nakakalimutan mag-change ng gear. yun din yung comment ng instructor ko nun sa A1. so nung nagkaroon kmi ng car pina-convert to automatic para di na daw ako mahirapan. kso nung gusto ko na mag-practice ulit umalis naman si rudney so walang magtuturo sa akin. so yung car namin di masyado nagagamit. twice ako sinamahan ni papa ng sunday ikot lang kmi. then nung dumating si rudney walang time kse lagi kaming umaalis ng weekend. once lang nya ko nasamahan. so after nun ala na ulit. so i decided to enroll na lang ulit sa A1 pero this time automatic na kinuha ko. then nagpa-assist na rin ako sa license para wala ng practical exam. nakapasa naman ako 36/40, 30 ang passing. para ma-pratice ko ang driving ko eh gumigising ako ng maaga. as in 5:30 paalis na kmi. sunduin kse ng uncle ko si mama sa ministop. 7am ang out nya. ayaw kse ng uncle ko na maipit sa edsa kya ganun kmi kaaga umaalis. so nasa ministop na kmi before 6:30 pa lang. buti na lang lately kse busy ako sa office so advantage rin ang pag-pasok ko ng maaga. pag di kse ako sumasabay 9-9:30 na ako nakakarating ng ofc. oks naman daw ang driving ko though may times daw malikot yung manibela ko. tsaka i still have a problem with parking. di pa kse ako sanay.
1st time i drove alone was when i went to sm fairview. since nag-mature na yung time deposit namin, we decided to withdraw it na. eh may inaayos kse uncle ko eh kailangan ko habulin yung 7pm na closing di ko sya mahintay. so i decided to bring the car. since nakapag-drive naman ako from bahay to mandaluyong, ano ba naman yung bahay to sm fairview na 10-20 mins away. so grabe ang kabog ng dibdib ko nun. ang bagal ko sobra. pagdating ko ng sm hanap ako ng parking space na walang katabi. ang tagal ko bago na park ng maayos. so i went na inside sm then went out past 7pm na. since madilim na nun naiwan ko pala na bukas ang park lights. ay sus. so start ko agad kse baka na-discharge ang battery. buti na lang hindi. so uwi na ako. as usual ang bagal ko na naman. nakarating naman ako ng safe. pagkakita sa akin ni mama ay naku sermon ang inabot ko. bakit ko daw tinakas yung sasakyan, tapos gabi na daw may dala pa akong pera. eh di ko naman tinakas yun eh.
2nd time i drove alone to sm fairview ulit. buy kse ako pillows. mas malakas na ang loob ko ngayon compared nung first time. kso nung pauwi na ko parking pa lang nag-loko na yung sasakyan. namamatay pag lipat ko yung paa ko sa brakes. ang tagal ko sa parking. may time pa na tinulak ng guards kse nakaharang ako sa exit. eventually nag-okay naman sya. di na ako nag-aircon pauwi. hindi rin pala ako nakabili ng pillows, ala ako nagustuhan.
3rd time i drove alone kanina papuntang malabon para sa binyag ni marie therese, baby ni james & tina, barkada ni rudney. layo noh. ang sikip pala ng kalsada dun, sira-sira pa. ala pa akong map. so i called james for instructions. nakarating naman ako and may parking space pa kaya oks. sa tropa ni rudney si henry lang nandun. so kasabay ko sya pauwi. binaba ko sya sa mrt quezon ave then uwi na ako. di na ako masyado kinakabahan. mas okay na ako ngayon.
4th time baka tomrw di pa ako sure. sa alabang kse yun eh. binyag naman ni julianna phoebe, baby ni phabs and rose, tropa pa rin ni rudney. ang layo kse so hindi pa ako decided. bahala na.
basta happy lang ako. malapit na ako mag-goodbye kay abc, mge, emp and other taxis na nakasanayan kong sakyan araw-araw. hehehe
edited: natuloy ako kahapon sa alabang. i fetched henry sa estrella and james and tina sa may pasay. o di ba school bus.
we took the coastal road since mas malapit kse dun. ang galing, umabot speed ko ng 80, hindi naman ako kinabahan. sobrang luwag kse since its sunday.
hmm… kailangan ko na maghanap ng parking dito sa office. :P