**-overdue post
*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
this time 2 days lang. johann was hospitalized again due to vomiting.
2/26. around 2pm my sister called me para sabihin na may lagnat and nag-vomit si johann. they’ll give him tempra daw. hindi pa ako worried nun. so work pa ako. around 2:30 tumawag si mama and sabi since morning wala pa pala kinain or inom na milk si johann. last nyang milk eh 6:30am, ako pa yung nagpa-inom. yung nilalabas nya eh yung kinain pa nya nung sunday. dun na ako natakot. dalhin na daw nila sa er ng medical city. so i called his pedia, since may clinic sya that time dun ko na lang daw dalhin. wait daw nya kmi. nag-undertime ako sa office and meet ko cla mama together with my tita and johann sa medical city. nag-cab lang cla kse coding ang sasakyan. pag baba nila ng cab kinuha ko agad c johann. ayaw bumitaw sa akin ni johann. kahit sa mama ko or tita ko ayaw sumama. pinipilit namin mag-water ayaw talaga. nakatulog sya while waiting for our turn. pagpasok sa clinic nagising na sya and check ng pedia yung lungs tsaka yung sa tonsils. di nya pa ma-determine ang problem she recommended na magpa-urinalysis and cbc. she also gave us 2 options. one is we can take him home but we have to give him oral rehydration salt every 5-10 mins para di ma-dehydrate. two is ipa-admit namin para di ma-dehydrate at the same time mas ma-monitor sya. i chose the 2nd option. his pedia tried to discourage me kse mas magastos tsaka i-dextrose kse si johann. pero sabi ko hindi nya iinumin yung ors. we tried that before. tsaka ayoko na yung nangyari before na nagpabalik-balik kmi ng hospital. so she accompanied us sa er. after endorsing us sa er she told me to text her the room number, visit nya kmi tomorrow morning. i gave the attending physician sa er yung baby book ni johann para di na ko masyadong tanungin. i texted rudney to inform him. madaling araw nun kya i’m not expecting na mag-reply sya agad. mayamaya lively na si johann. kanta na ng kanta tsaka kung ano-ano na ang sinasabi. para syang walang sakit. tinawag pa nga nyang mumu yung dr na kausap ko *~naka-mask kse yung dr~*. nag-drink na sya ng water. sabi mama, wag na kya ipa-admit. we tried feeding him milk. ininom naman nya kaya lang wala pang 1 minute after mag-milk nag-vomit na naman. sabi ko kailangan talaga ipa-admit. umuwi muna si mama para kumuha ng gamit namin. i left johann with my tita sa er para kumuha ng room. after paying the downpayment they gave me a room number na. habang kinakabitan na sya ng dextrose, i hugged him tight para di maglikot tapos kinakausap ko rin sya. i tried singing yung mga alam nyang songs to distract him from the pain. sandali lang sya umiyak tpos sumabay na sa akin kumanta. after nun hatid na kmi sa room. mga past 6 na nun. sumaglit yung pedia nya to check on us. she told me to feed him anything he wants except softdrinks. around 7 dumating na yung dinner nya, tinolang manok. buti na lang may sabaw at napakain namin sya. bitin pa nga eh. naubos na kse yung sabaw. around 7:30 dumating ate ko may dalang fries for johann, chicken naman for us ng tita ko. then dumating na mama ko kaya nakapag-palit na ko ng damit. tumawag na that time si rudney, so kwento ko sa kanya yung nangyari. i slept sa sofa while si mama sa tabi ni johann. then around 10pm sinundo kmi sa room kse need daw ipa-xray si johann. based kse sa cbc result may nakita sila na nag-point na may problem sa lungs. pahirapan nung i-xray sya ng patagilid. ayaw na humiga dun sa kama tapos sigaw ng sigaw. hawak sya namin ni mama pero ang lakas nya. tumawag na ng guy para humawak sa braso ni johann while ako nakahawak sa paa. nakaka-awa sya nung natapos na, pagod na pagod.
2/27. medyo malakas na sya kumain pero mahina pa rin mag-milk. his pedia visited us and told me na it might be pneumonia based sa cbc and xray, though yung sa xray nya medyo clear naman yung lungs nya. i told her na nag-poopoo sya last night ng medyo basa. she told us na tomorrow morning na lang kmi umuwi para ma-continue yung gamot tsaka observe pa sya baka kse may gastroenteritis ulit eh. from time to time ina-update ko si rudney. play lang kmi nung leap pad nya and watch ng tv the whole day. gusto na nga tanggalin yung dextrose kse di namin sya hinahayaang mag-lakad sa loob ng room.
2/28. start na kmi mag-pack ng gamit kahit ala pang advise na uuwi na kmi. habang nag-pack c mama kumuha ako ng wheel chair para ma-ipasyal ko si johann dun sa corridors. behave naman sya sa wheel chair. dumating pedia nya ala kmi sa room kya hinanap kmi ni mama. check nya ulit johann then she gave na the order that we could go home na nga. then we’ll be back on 3/10 sa clinic nya for his check-up. so i settled na the bill. before going home dumaan muna kmi ng pharmacy to buy his antibiotic. by 2pm bahay na kmi. mga 4pm tulog na johann hanggang morning na yun. di ko alam kung pagod ba sya or dahil sa gamot.
the next day, sobrang likot na. akala mo di na-hospital. hayy, ang bata talaga.