an overdue post. medyo mahaba. kung tamad kyo magbasa view nyo na lang yung pictures.
we’ve been to Singapore last july 12-16. i was hesitant at first kung tutuloy kmi. punta kse si ate jhing sa singapore for a seminar, sabi ni mama sama na rin daw kmi kse sayang yung libreng hotel then pagdating ng weekend lipat na lang kmi sa cheaper hotel. check ko rates ng Tiger Airways aba! they are offering 50% off when you book between june 5-11 and fly from july 1-31. i asked rudney’s permission kung oks lang, eh pumayag, so book ko na sya agad
.
july 12. we arrived sa budget terminal ng singapore around 4pm. we left the airport around 5:30 para i-meet na lang kmi ni ate jhing sa lobby ng Pan Pacific. ganda ng hotel, parang sarap tumira dun. hehehe… anyways, mga 6:30pm dumating c arnie (morninggirls) sa hotel then wait namin c mira (morninggirls din) sa lobby. treat nila kmi for dinner sa Lau Pa Sat. mga past 10pm na kmi naghiwalay, c arnie kse uwi ng manila the next day and c mira wait na sya ng family nya. so kmi nila mama, tajhing and johann nag stroll muna dun. kakalakad namin nakarating kmi sa merlion park. so picture picture muna. then walk again papuntang esplanade, picture picture ulit. then walk again papuntang marina square, finally nakarating din kmi sa hotel. past 12 na ata yun. pagod kmi sobra. sleep na kmi.
july 13. before 10am na kmi nakaalis ng hotel papuntang Singapore Zoo. eh tulog c johann pagdating namin dun so nag-lunch muna kmi ni mama sa kfc. ala silang rice and gravy, side dishes and ketchup ang replacement. after lunch, i bought the ticket and sakto naman pagpasok namin nagising na c johann. we rode the tram tpos cguro nung 3rd stop bumaba na kmi. i didn’t get to take a picture of all the animals. nakakatuwa si johann kse ang dami nyang kilalang animals. we also watched yung animal friends show sa ampitheater nila. ang highlight nung show eh yung 2 sealions. other animals na nandun sa show are monkey, snake and may isa pa na di ko maala yung name. after nun dapat punta kmi sa Mandai Orchid Garden kso pagod na si mama. bumalik na lang kmi ng hotel. nag-rest then we went sa Marina Square para mag-grocery. i was supposed to meet joan (amabarkada97) sa mall kso late na daw sya makakaalis ng office so saturday night na lang daw since mag-night safari kmi ng friday so we went back sa hotel. we asked tajhing to call yung sa reception kung offer cla ng day tour papunta malaysia, kung meron kse punta sana kmi eh wala daw though sabi madali lang daw pumunta, ala pang 1 hr eh nasa Johor Bahru na. eh gusto ko puntahan yung Petronas. 3 hrs mahigit daw byahe kya wag na lang tsaka nag-alangan din ako kse may kasama kmi bata. ayaw na ni mama pumunta ng Jurong Bird park the next day so mag orchard road na lang kmi. tingin na lang kmi ng mga pang-pasalubong.
july 14. we decided not to transfer hotel anymore. hassle din kse maglipat ng gamit, nagka-tamaran na kmi. di kmi natuloy sa orchard kse ang lakas sobra ng ulan. di namin makita yung mga katabing buildings. nagpatila lang kmi ng ulan tpos magpunta na lang sa Suntec City Mall. tingnan namin kung open yung Fountain of Wealth. mag-cab sana kmi papunta, buti na lang mabait yung in charge sa taxi queue, tinuro na lang nya sa amin paano pumunta dun by foot. lapit lang sobra sa hotel, naka-connect pala sya sa marina square. hindi pa open yung ibang stores eh mag-11am na nun. so try namin hinanap yung fountain, nakita namin kso close pa sya. nakita ko yung Duck Tour. sabi ko kay mama try namin since naka-upo lang naman kmi during the tour tsaka na-curious ako kse dami nakapila. while waiting for our schedule we went dun sa toy strore dun sa suntec. ang laki nya, bigger than the toy kingdom sa megamall. wala naman ako nabili kse mahal pa rin sya. so we went back dun sa meeting place para sa tour. we rode the “duck” sa labas ng suntec. nung nasa river kmi nakita namin yung Esplanade, Merlion Park and yung hotel na tallest daw before ngayon hindi na. nung nasa land na kmi nakita naman namin yung Civilian War Memorial, St. Andrew’s Cathedral, Raffles Hotel, and others (ngayon ko lang na-realize na yun din yung mga nakikita ko from our hotel room) 1 hr lang yung tour okay rin, di naman boring kse lively naman yung tour guide. ang naalala ko lang sa kwento ng tour guide eh sweldo ng singapore president eh nasa SGD200,000+ a month, ang may sariling bahay daw dun eh well-off talaga and para mag-karoon ka ng car dun you have to pay SGD10,000 as registration fee. after ng tour nag lunch kmi sa marina square, as usual kfc ulit, ayaw kse ni mama mag-try ng di namin kilalang food baka masayang lang daw. went back to the hotel to wait for ate jhing kse punta kmi ng Night Safari. before kmi nag-night safari we went muna sa Funan IT Mall to do some shopping. wala ako nabili except for rechargeable batteries. we ate dinner at Swensen’s. medyo pricey ang food. we arrived sa night safari past 10pm na and tulog na si johann. the cab driver told us not to stay beyond 11:30 so that we wont have a hard time getting a cab. malayo kse sya sa city. we rode the tram, since hindi allowed ang flash photography wala kmi masyado pictures sa loob. we left mama and johann sa isang bench and check namin ni ate jhing yung walking trails. nakakatakot kse nandun yung fear ko na baka may biglang sumulpot na hayop sa harap namin tapos ang dilim pa. pagbalik namin kina mama nagising si johann and ayaw na kmi paalisin so we went out na lang and dun kmi nagpa-picture. mama bought souvenirs for her friends while i bought something for dra. eileene (pedia) and alyn (pedia sec). then we went home na.
july 15. we prepared early since we’re going to Sentosa. we rode the cable car from Mt. Faber. takot na takot si mama. she asked me kung eto lang daw ba ang way papunta dun, sabi ko hindi, pwede naman kaming mag-bus. tawa kmi ng tawa kmi ni ate jhing, walanghiya daw kming magkapatid. papatayin daw namin sya sa nerbiyos. hahaha… pagdating namin sentosa, we rode the Carlsberg Sky Tower to view yung buong sentosa. next we went to the Underwater World. ilang beses kmi umikot. natutuwa ako sa dun sa mga jellyfish na maliliit. after nun we ate lunch then we went to Dolphin Lagoon. pagdating namin maaga so nakapili kmi ng seat. After 45 mins, nag-start na yung show, ang gagaling ng mga dolphins, nakakatuwa. yung father ng dalawang dolphin pink pero yung mga anak nya medyo gray na. after the show we went to find the Sentosa Orchid Gardens. di namin makita nung una. Nakarating kmi sa Fountain Gardens eh wala namang show so nagpa-picture kmi. nung aalis na kmi tsaka namin nakita yung way papunta sa garden. konti lang yung flowers, hindi ata season pero magaganda naman. after nun nag-snack kmi sa delifrance then wait namin yung bus palabas ng sentosa. we rode the mrt to orchard. shopping naman. as usual wala na naman ako nabili. we went back sa hotel para ihatid si mama and johann. rest kmi ni tajhing sandali then punta ulit kmi ng mall sa may raffles. walk lang kmi papunta dun. wala naman ako nabili. pagbalik sa hotel, nasa sahig na yung bag and yung ibang gamit, time na mag-pack kse uwi na kmi the next day.
july 16. we woke up early kse maaga flight namin. we left the hotel around 9 am. si ate jhing late check-out pa. after check-in we had lunch and did some shopping inside, konti lang stores dun. maganda yung budget terminal ha, may free internet access sya. didn’t get to use it kse walang available. sabi nga ni arnie (on which i agree) eh mas maganda ang budget terminal ng singapore kaysa sa naia. sayang nga di ko nakuhanan ng picture. we arrived sa clark around past 4pm na. medyo delayed yung flight kse they tried to wait for the indian passengers.
for sure babalik kmi dun. madami pa kming hindi napuntahan. baka next time singapore-malaysia na. hehehe… wishing… 